During the MMFF Parade Ceremony, the star of Super Inday snubbed Alex Gonzaga and Bayani Agbayani on stage.

Sa nakaraang MMFF Parade ceremony, present ang controversial actress na si Marian Rivera wearing her costume as Super Inday. Huling huli ang pagtataray ng aktress sa Papparazi camera ng TV5! Pagmasdan mabuti kung paano dinedma ni Marian ang isa sa mga hosts ng nasabing event na si Alex Gonzaga:

Matapos siya tawagin ni Alex na inabot pa ang kamay upang batiin siya, dumaan lamang si Marian na parang walang nakita at sa halip ay dumiretso kay Kuya Germs na naroroon din.

Bukod kay Alex ay dinedma rin ni Marian si Bayani Agbayani na kasama rin ni Kuya Germs sa stage. Matatandaang nagkaroon ng issue between Marian and Bayani na naganap sa isang sitcom sa GMA kung saan nagsumbong ang una sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes kung kaya muntik nang magsuntukan si Bayani at ang aktor.

E ano naman kaya ang dahilan ng pag-snub ni Marian kay Alex Gonzaga? Dahil kaya ito sa programang kinabibilangan ni Alex na Juicy! kung saan palaging naba-blind item ang Kapuso star?

Cristy Fermin was fuming mad last Sunday sa Paparrazi after the video was shown. Mo Twister defended Marian saying “…huwag na lang ipalaki [yung issue]…yung kay Bayani agree ako dun kasi siyempre snubbing moment ‘yun kasi may intriga naman siya, may bad experience.”

Cristy Fermin refused to keep mum on the issue. Sa halip ay nag-iwan siya ng matalinghagang pangungusap:

“Itong scenario na ito ay nagsalita sa bentahe nina Alex Gonzaga at Bayani Agbayani. Nakita natin kung sino ang pwedeng sabunutan na may masasabunot ka at kung sino ang huwag mong papatulan dahil mahirap sumabunot ng kalbo,” ang statement niya.

Gets nyo?

(Cross-published in Eprinsipe.com)

Related Posts with Thumbnails