This post get my attention while reading my feeds in facebook. Hoping that DepEd or any government  institution in the Philippines can help them. This kind of attitude as a student is rare now a days. So please help them and if you have time please share the post so that people can help them.

Students

May nakasabay akong dalawang bata kanina. Ihahatid pala nung kuya niya yung kapatid niya sa school, tapos nagbibilin yung kuya niya sa kanya sabi, “Ingat ka dun ha, ingat ka. Mag-aral kang mabuti. Magtitinda lang si kuya ng sampaguita para may pambili tayo ng notebook mo mamaya.” Sagot naman nung kapatid niya, “Opo kuya mamaya sunduin mo ulit ako ah.”

Tapos biglang sumingit tong si manong driver, “Oy mga bata magbayad kayo wala nang libre ngayon! Hindi basta-basta sasakay na lang kayo,” tapos sumagot yung kuya niya, “Kuya pasabay lang ho kahit hanggang simbahan lang, wala po kaming pera… ayoko lang pong madumihan yung uniform ng kapatid ko.”

Di pumayag si manong driver, pinabababa yung dalawa, kaya sabi ko, “Kuya ako na lang po ang magbabayad sa dalawa, grabe ka naman parang hanggang simbahan lang pinagdadamot mo pa. Hay nako!” (Ako nagbayad ng 3 sabay baba na din sa simbahan nakakainis kase si kuya. Sumakay na lang ulit ako ng ibang jeep).

Haha haba ng kwento ko no? Nakakatuwa yung magkapatid kanina, kase kahit ganon yung sitwasyon nila. Hindi nila pinapabayaan ang isa’t isa. Magkahawak pa nga sila ng kamay eh. Saludo ako dun sa kuya niya. :’))

Ctto